Reaksyonaryong Elektoral na Circus sa Pilipinas Huwag Mag-ilusyon sa mga Burges na Liberal—Para sa Proletaryong Himagsikan!

Narito na uli ang circus. Habang lugmok sa pinakamalalim na recession mula noong World War II kasunod ng isa sa pinakamatagal at pinakamalupit na Covid lockdown sa mundo, nakatakdang isagawa ng Pilipinas ang pambansang halalan sa Mayo 9. Ang eleksyon ay isang re-match sa pagitan ng pinuno ng oposisyon na si Vice President Leni Robredo at ng kanyang dati nang karibal na si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., tagapagmana at kapangalan ng diktador na ang 20-taong pamumuno ay karibal sa kasakiman, kalupitan at katiwalian ng dating dinastiyang Pahlavi at Somoza ng Iran at Nicaragua.
Si Marcos Jr., na tinalo ni Robredo sa isang mahigpit na karera noong 2016, ay hindi inilihim ang kanyang ganang ibalik ang kanyang pamilya sa kapangyarihan. Kapwa nakibahagi sina Robredo at Liberal Party running mate na si Senator Kiko Pangilinan sa kilusang protesta na humantong sa pagbagsak ng pamilya Marcos.
Sa loob ng anim na taong marahas na pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang mga kaalyado, si Robredo ay naghahanda bilang presidente sa inilalarawan ng lokal media na labanang “Good versus Evil,” ang tinaguriang huling pagkakataon upang “iligtas ang demokrasya ng Pilipinas” mula sa “pagbabalik ng mga Marcos at isang pagpapatuloy ng pamunuan ni Duterte.” Panawagan namin: Robredo, Marcos at lahat ng burges na partido—Huwag iboto!
Habang papalapit ang multo ng muling pagbabalik ni Marcos at mga araw na lang ang natitira, pinagsama-sama ni Robredo ang mga Stalinista, sosyal-demokrata, sikat na artista, liberal na intelektuwal at mga kapitalistang amo sa isang prente popular o prenteng bayan na kawangis ng kilusang nagpabagsak sa diktadurang Marcos. Ang suporta para kay Robredo ay nakakuha ng momentum, habang ang mga paksyong anti-Marcos ay nagbubuhos ng pera sa mga sorties ng kampanya na umaakit ng daan-daang libong mga tagasuporta na kulay rosas ang suot at kilala bilang mga Kakampinks sa mga lungsod sa kapuluan.
Ang ideolohikal na pandikit na nagbubuklod sa prente popular ni Robredo ay fight-the-right bourgeois lesser evilism [pulitika na labanan-ang-mga-maka-kanan sa paraan ng pagsuporta sa burges na hindi gaano ang pagka-masama]. Matapos ang malawakang pagkatalo ng mga Liberal sa eleksyon 2019, nakuha ni Robredo ang aral na kailangan ng partido na magpatakbo ng isang “people’s campaign,” ibig sabihin ay sumakay patungong kapangyarihan sa likod ng mga inaapi. Ngayon ay i-priniprisinta niya ang kanyang sarili kontra kina Duterte at Marcos bilang “people’s champion” na magtatanggol sa demokrasya, lalabanan ang korapsyon at magtataguyod ng pagkakapantay-pantay. (read on)